Anim na sundalo, patay sa panibagong pagsabog sa Turkey

by Radyo La Verdad | February 19, 2016 (Friday) | 1429
Diyarbakir, Turkey(REUTER)

Diyarbakir, Turkey(REUTER)

Anim na Turkish security forces ang namatay at isang sundalo ang malubhang nasugatan sa pasabog ng isang homemade bomb katimugang bahagi ng Kurdistan.

Gamit ang remote control, pinasabog ang bomba samantalang nakasakay sa isang military vehicle ang mga sundalo.

Naganap ang pagsabog, isang araw matapos ang car bomb attack na ikinasawi ng 28 katao sa Ankara.

Kasalukuyan naghahanap ng mina sa highway na nagdudugtong sa Diyarbakir at distrito ng Lice sa timog silangan ng Kurdistan ng pasabugin ang mga home made bomb.

Tags: , ,