Año, nangakong walang magiging serye ng EJK matapos umupo bilang OIC ng DILG

by Radyo La Verdad | January 10, 2018 (Wednesday) | 1733

Hindi naniniwala sa extrajudicial killings ang bagong officer in charge ng Department of Interior and Local Government at retiradong AFP Chief of Staff na si Eduardo Año. Sisiguruhin daw ng ahensya na ang bawat karapatan ng mga mamamayan ay irerespeto at kikilalanin.

Sa isang simpleng seremonya, ipinasa na ni dating DILG Officer in Charge Catalino Cuy ang pamumuno sa kagawaran kay Año. Prayoridad ni Año ang pagpapalakas sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga at kurapsyon. Ipinagtanggol naman ni Año ang pambansang pulisya sa gitna ng mga kinakaharap na kontrobersiya kaugnay sa war on drugs.

Aniya, kahit may mga negatibong balita laban sa PNP, maraming accomplishments pa rin na nagawa ang mga pulis.

Samantala, itinalaga naman ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Undersecretary ng DILG si Martin Dino.

Si Dino ay dating chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA subalit ipinalit sa kaniya si Atty. Wilma Eisma

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,