Apat na clandestine drug laboratories, sinira ng mga otoridad sa Peru

by Radyo La Verdad | August 11, 2016 (Thursday) | 899
Drug laboratories, sinira ng mga otoridad sa Peru(REUTERS)

Drug laboratories, sinira ng mga otoridad sa Peru(REUTERS)

Sinira ng mga otoridad ang apat na clandestine drug laboratories na nasa kagubatan sa Ayacucho Region sa Peru.

Nakumpiska sa operasyon ang isandaan at tatlumpong kilo ng cocaine paste.

Sinira rin ng mga otoridad ang siyam na balon kung saan itinatago ang hilaw at pinatuyong dahon ng coccaine.

Ayon sa ulat, ang mga pinoprosesong droga ay dinadala sa Brazil at Bolivia.

Tags: ,