Apat na taong pagsasahimpapawid ng A Song of Praise Music Festival, nakapag-ambag ng malaki sa original Pilipino Music Industry

by Radyo La Verdad | October 14, 2015 (Wednesday) | 1744

ROSE_ASOP3
Lubos ang galak at pasasalamat ng mga premyadong Filipino musician, performer, at composer na naimbitahang maging bahagi ng A Song of Praise Music Festival Year 4 Grand Finals.

Hinangaan nila ang pagtatanghal ng mga orihinal na komposisyong awit papuri sa Maylalang.

Ayon kay Mr.Public Service Kuya Daniel Razon, hindi lang OPM industry ang nabigyang-buhay ng ASOP kundi nakapagbigay inspirasyon din ito sa buhay ng mga kapwa-tao.

Bago pa man maipalabas ang programang A Song of Praise Music Festival sa telebisyon noong 2011, isinusulong na ng Members Church of God International ang paglikha at pag-awit ng mga song of praise taong 2004 pa.(Rosalie Coz/UNTV Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: ,