Approval ratings ni PBBM at VP Sara, nananatiling mataas — survey

by Radyo La Verdad | June 23, 2023 (Friday) | 3296

METRO MANILA – Nanatiling mataas ang approval ratings na nakuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior  at Vice President Sara Duterte sa second quarter ng taon batay sa isinagawang latest survey ng Publicus Asia Inc. .

Mula sa 60%, nakakuha si PBBM ng 62% approval rating sa second quarter ng 2023, habang nanatili naman sa 67% ang approval rating ni Vice President Sara Duterte.

Naniniwala ang punong ehekutibo na resulta ito ng kanilang panawagan na pagkakaisa noon pa man sa panahon ng kampanya at patuloy nitong pagsulong na mapabilang ang Pilipinas sa may mabilis na paglago pagdating sa global economy.

Samantala, bukod kay PBBM at VP Sara, tumaas naman sa 48% ang nakuhang approval rating ni Senate President Juan Miguel Zubiri mula sa 47% noong first quarter.

Habang napanatili naman ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang 42% trust rating sa ikalawang kwarter ng taon.

Pero bahagyang ring tumaas ang disapproval ni Romualdez ngayong 2nd quarter partikular sa bahagi ng North Central Luzon.

Tags: , , ,