Aquino at Duterte, nakatakdang mag-usap bago ang oath-taking ng incoming president sa June 30

by Radyo La Verdad | June 20, 2016 (Monday) | 19186

pnoy-duterte
Kulang dalawang linggo na lang ang nalalabi bago tuluyang bumaba sa pwesto si Pangulong Benigno Aquino the third.

Sa isang telephone conversation, binati nito si incoming President Rodrigo Duterte at nag-alok din ng tulong.

Ayon kay Pangulong Aquino, ikinatuwa naman ni incoming President Duterte ang alok nito at nagpasalamat din sa kaniya.

Samantala, bago ang panunumpa ni President-Elect Duterte sa ika-30 ng Hunyo, muling mag-uusap ang dalawang pangulo.

Umaasa si outgoing President Aquino the third na magtutuloy-tuloy pa ang pagbuti ng kalagayan ng Pilipinas sa pagpapalit ng administrasyon.

At magagawa ito sa pamamagitan ng pagsuporta ng mga pilipino kay incoming President-Elect Duterte.

(Rosalie Coz/UNTV Radio)

Tags: ,