Aral ng Simbahang Katolika sa original sin, tinuligsa ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | June 25, 2018 (Monday) | 4606

Naging kontrobersyal muli ang mga binitiwang salita ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa simbahang katolika partikular na ang doktrina ng “original sin.”

Ginawa ng Pangulo ang pahayag nang pangunahan nito ang National Information and Communication Technology Summit sa Davao City nitong Biyernes.

Wala pang inilalabas na pahayag ang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines hinggil sa issue.

Samantala, isa ang original sin sa mga naitatanong sa televangelist na si Brother Eli Soriano.

Sa isang Bible Exposition, sinabi nitong imbento lang ang original sin na itinuturo ng mga paring katoliko.

 

( Roderic Mendoza / UNTV Correspondent )

Tags: , ,