Asec. Mocha at blogger Drew Olivar, nanindigang ginamit lamang ang kanilang federalism video upang pagtakpan ang election fraud hearing sa Senado

by Radyo La Verdad | August 23, 2018 (Thursday) | 1927

Bagong mukha ng federalism information campaign ang ipinakita nina Assistant Secretary Mocha Uson at blogger na si Drew Olivar sa Programang Get it Straight with Daniel Razon.

Sabay na humarap ang dalawa sa publiko sa unang pagkakataon matapos ulanin ng batikos ang ginawa nilang kampanya ilang linggo na ang nakalilipas.

Ayon kay Asec. Mocha, ginamit lang ang isyu sa kanilang video upang pagtakpan ang pagsisiwalat ng anomalya sa mga nakaraang halalan.

Nabigyan din sina Asec. Mocha at Olivar ng pagkakataon upang ipaliwanag ang magagawa ng pederalismo sa bansa.

Hindi rin umano magiging dahilan ang isyu upang tumigil sila sa pagpapatuloy ng kanilang online game show para sa isinusulong na awareness campaign ng pederalismo.

Maglalabas din sila ng isang shortfilm ukol dito.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,