Ateneo bully, pinatawan ng indefinite ban sa Taekwondo

by Jeck Deocampo | December 25, 2018 (Tuesday) | 1046

METRO MANILA, Philippines – Pinatawan ng indefinite ban ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang taekwondo jin na nag-viral kamakailan dahil sa pambu-bully sa kapwa mag-aaral sa Ateneo de Manila University.

Batay sa pahayag ng PTA, sakop ng indefinite ban ang lahat ng taekwondo activities. Maaari pa naman aniyang ma-reinstate ito sa kondisyon na sasailalim ang bata sa rehabilitation at counselling program.

Gayunman, maaari rin itong tuluyang ma-expel kung hindi dadaan sa proseso.

Sa gitna ng kontrobersya, patuloy namang umaapela ang PTA sa publiko na mag-ingat sa pagbibigay ng komento sa isyu lalo na’t menor de edad ang sangkot dito.

Tags: , ,