Babae sa Australia, nagbayad ng 372 dollars para sa surgery ng kanyang alagang goldfish

by Radyo La Verdad | September 14, 2016 (Wednesday) | 787
Ranchu Goldfish (Photo credit: Brisbane Bird and Exotics Veterinary Services)

Ranchu Goldfish (Photo credit: Brisbane Bird and Exotics Veterinary Services)

Nagbayad ng 372 dollars o mahigit 17 thousand pesos ang isang babaeng Australian na si Emma Marsh para sa surgery ng kanyang alagang goldfish.

Nakalunok kasi ng isang maliit na bato ang alaga nitong goldfish na pinangalanan niyang “Conquer.”

Nasagip naman si “Conquer” sa tulong ng Brisbane Bird and Exotics Veterinary Services.

Ayon kay veterinarian Emma McMillan, posibleng ikamatay ng goldfish ang maliit na bato kung hindi ito agad naalis dahil sa nakabara ito sa bibig ng isda na makahahadlang sa pagkain nito.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,