Bagong listahan ng mga ipinagbabawal dalhin sa mga airport inilabas ng Office for Transportation Security

by Radyo La Verdad | July 14, 2015 (Tuesday) | 3688

O
Mas detalyado ang bagong listahan ng mga ipinagbabawal dalhin ng mga pasahero sa airport na inilabas ng Office for Transportation Security o OTS.

May nadagdag rin na bagong items sa listahan

Kabilang dito ay ang mga naibentong bagong gamit gaya ng lipstick at flash flight na stunning device.

Ayon sa OTS, delikado itong dalhin ng pasahero sa kanilang hand carry baggage subalit pahihintulutan naman sa check in baggage.

Ang lighter na pinapahintulutan dati na maisama sa check in baggage ay hindi na pwedeng ipasok ngayon sa mga paliparan

Lahat ng uri ng firearms maging mga pellet gun at laruang baril hindi narin pahihintulutan sa loob ng paliparan

Lahat ng mga matutulis na bagay gaya ng kutsilyo at iba pa, bawal sa hand carry baggage subalit pwede sa check in baggage

Maging mga canned good na may easy open lid bawal rin sa hand carry baggage dahil kinokonsidera ito na may matulis na bagay

Anumang bagay na may hangin sa loob gaya ng bola ng basketball at mga katulad nito, kailangan munang paimpisin dahil maaaring sumabog kapag magbago ang pressure sa paglipad ng eroplano.

Bawal pa ring dalhin sa hand carry baggage ang lahat ng mga liquid o gel na lalagpas sa 100ml.

Tags:

Leave a Reply

66 Responses

  1. Meron po akong dalawang barbero na pupunta dito, hired thru agency (Ankor Tavel Agency and Consultant). Meron na silang OEC at Original Visa.

    Inquire mo namin kung pede nila ilagay sa Check-in baggage ung mga gunting nila na tig-4 pcs.

    Salamat po

  2. Ask ko lang po pwede po ba sa bagahe ang rice cooker and like pan and pot or caldron..,salamat po Sa sasagot.., paalis po kasi kami ng mga anak ko etong 15 salamat po..,

  3. ask ko lang po kung pwede mag dala ang daddy ko ng Chicharon at tuyo ? saan din po ba pwede ilagay sa hand curry or maleta?

  4. aask ko lng po,pwede po ba sa bagahe ang mga gamit png tattoo kasama un machine un needle pangkulay at un av transformer

    • gud pm po ask lang ako kung pwedi eh hand carry ang wiring na nasa karton at di pa nabubuksan isang karton lang naman po.txt

  5. Pwede po bang dalhin ko yung mga libro na binili ko dito sa Pilipinas sa pag alis ko ng bansa? 6 na books po yun na ginagamit ko sa school.

  6. Good pm pp,pwede po va magdala ng vape juice or liquid juice flavor ng vape/electric cigarette sa check in baggage? Thanks po

  7. Hello po ano po ang limit ng pede dalhin na liquid items sa bagahe? ang dala ko po is alcohol, feminine wash and eskinol asap po thanks byahe na po kami sa sept 3 2016 po pakisagot po maraming salamat po

  8. Magandang umaga po nais ko lng po sana itanong kung pwedi aq magdala sa airport ng component radio pauwi sa pilipinas at anu po kaya mga procedures na dapat kung gawin, yun lng po maraming salamat po

  9. my tanung lang po ako ung aking pamangkin nag pabili po sakin ng airsoft gun dto po sa california pwde ko po ba dalihin at pauwi nang philipinas po un i lalagay ko po sa aking check-in baggage? paki reply po agad salamat po

  10. Sa mga nagtatanong, pwedeng magdala ng vape basta hindi naka-assemble (no battery installed). Tas yung juice dapat hindi mag-exceed sa 100ml per bottle.

  11. ask q lng pu qng bwal pu b ang toner or ung lactacid sa eroplanu?sa monday q na pu kc ipapadala sa japan un.salmat po

  12. pwede b mgadala ng sigarilyo ang isang pasahero bilng pasalubong sa mga kapwa ofisang at ilng rim lng ang pwede dalhin

  13. pwede b magdala ng sigarilyo ang isang pasahero bilng pasalubong sa mga kapwa nyang ofw at ilng rim lng ang pwedeng dalhin