Bagong strategy gagamitin sa military operations laban sa Abu Sayaff Group

by Radyo La Verdad | June 16, 2016 (Thursday) | 4699
File Photo

File Photo

Nagsagawa ng security cluster meeting si Pangulong Benigno Aquino the third sa mga matataas na opisyal ng armed forces of the philippines at Defense Secretary Voltaire Gazmin sa Sulu kahapon.

Ipinahayag nito na ikinakasa na ng Armed Forces of the Philippines ang pagpapatupad ng bagong strategy para sa mas maigting at epektibong military operations laban sa kidnap for ransom at terrorist group na Abu Sayyaf.

Ngunit hindi na nito idinetalye ang tungkol sa gagawing operasyon.

Samantala, nagbigay naman ng garantiya ang pamahalaan ng Canada at Norway sa kahandaan nitong magbigay ng assistance upang masupil na ang Abu Sayyaf Group.

(UNTV RADIO)

Tags: , ,