Bagong testimonya ni Janet Lim Napoles kaugnay ng pork barrel scam, dapat munang pag-aralang mabuti ayon sa ilang senador

by Radyo La Verdad | March 23, 2018 (Friday) | 27270

Para sa ilang senador, hindi maaaring balewalain na lamang ang magiging bagong testimonya ng umano’y pork barrel scam mastermind na si Janet Lim Napoles.

Ito ay sa gitna na rin ng isyu na maaari umanong magamit si Napoles sa pulitika at madiin ang mga kalabang partido ng administrasyon.

Ayon pa kay Senator Panfilo Lacson, minsan na rin niyang nakita ang listahan ni Napoles na naglalaman ng pangalan ng mga mambabatas na umanoy nakinabang sa pork barrel scam.

Ngunit mas mabuti aniya na ipaubaya na lamang aniya sa Department of Justice (DOJ) o sa Office of the Ombudsman ang imbestigasyon sa kung gaano katotoo ang naturang listahan.

Para naman kay Senator Joseph Victor Ejercito, mas mabuti na idetalye na lahat ni Napoles ang kaniyang nalalaman upang may maidahilan aniya ang DOJ sa desisyon nito na mapasailalim si Napoles sa provisional witness protection program.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,