Bagyong Jenny, bahagyang bumilis patungong Aurora Province

by Radyo La Verdad | August 27, 2019 (Tuesday) | 36876

Huling namataan ang bagyong Jenny sa layong 290 kilometers Silangan ng Infanta, Quezon at kumikilos pakanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 35 km/h na may pagbugso na aabot sa 80km/h ayon sa PAGASA as of 5:00pm.

Nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa Isabela, Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao at Mountain Province.

Inaasahang magla-landfall ang bagyo mamayang alas 9:00 ng gabi hanggang ala 1:00 bukas ng madaling araw.

Kung hindi magbabago ang takbo at direksyon ng bagyo, inaasahang makalalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes.

Tags: ,