Banana vendor sa Moonwalk, Parañaque City, nakatanggap ng tulong mula sa MCGI Cares

by Radyo La Verdad | August 4, 2022 (Thursday) | 642

METRO MANILA – Hindi na uutangin pa ni tatay Amor Alaban at ng kaniyang asawa ang puhunan para sa kanilang mga panindang saging dahil sa ipinagkaloob na P5,000 ng Members Church of God International (MCGI) sa programang MCGI Cares nitong August 1.

Sa pagtitinda-tinda ng saging nila tatay Amor at ng kaniyang asawa binubuhay ang kanilang pamilya, kaya malaking bagay na para sa kaniya ang maabutan ng tulong, lalo pa’t inuutang pa nilang mag-asawa ang kanilang mga ipinangangalakal.

Ayon kay tatay Amor ay may 4 silang anak ng kaniyang asawa at ang panganay dito ay katuwang narin nila sa paghahanap buhay.

Pauwi na sana si tatay Amor nang siya’y datnan ng grupo at laking palad nito, dahil bukod sa P5,000 ay tumanggap rin siya ng biblia, 1 sakong bigas, face shield at facemask, na ang mga ito’y naging dahilan naman para siya ay magpasalamat sa Ama.

(Marc Aubrey Gaad | La Verdad Correspondent)