Bangkay ng isang pusa, ginamit ng isang taxidermist upang gumawa ng handbag

by Radyo La Verdad | September 26, 2016 (Monday) | 850
Photo: Clare Hobbs.TradeMe

Photo: Clare Hobbs.TradeMe

Gumawa ng isang handbag mula sa balahibo ng isang patay na pusa ang taxidermist na si Clare Hobbs mula sa Christchurch, New Zealand.

Pero umani ang handbag ng magkakaibang reaksyon mula sa mga netizen dahil sa ikinabit ni Claire bilang design ng bag ang mismong ulo ng naturang pusa.

Naka-post ang litrato ng handbag sa online marketplace na “Trade Me” kung saan ilang netizen ang nagsabing imoral at kawalang respeto sa mga hayop ang ginawa ni Claire, samantalang ilan naman ang sinuportahan ang kanyang pagiging malikhain, at merong isa ring nagtanong kung magkano aabutin kung siya, na tao, ay gagawing bag makalipas ang ilang panahon.

Nilinaw naman ni Claire na napulot lang niya ang pusa na nakahandusay sa isang kalsada matapos itong masagasaan.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,