Bangkay ng isang suspected NPA member, natagpuan sa Batangas

by Radyo La Verdad | August 3, 2018 (Friday) | 2843

Narekober ng militar ang bangkay ng isang pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) ilang araw matapos ang nangyaring engkwentro sa Sitio Coloconto, Brgy. Bulsa San Juan, Batangas.

Natagpuan ito ng mga miyembro ng Second Infrantry Division na natatakpan ng tuyong dahon ng niyog sa bahagi ng bundok ng Sitio Sampaloc ng Brgy. Bulsa habang nagsasagawa sila ng pursuit operations.

Kinilala ang bangkay na si Alyas Jepoy na kabilang umano sa grupong Kilusang Larangang Gerilya Silangan na dating kilala sa tawag na Platoon Galaxy.

Ayon kay Captain Patrick Retumban, tagapagsalita ng 2nd Infantry Division, nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib si alyas Jepoy.

Kasabay naman nito ay muli nilang hinikayat ang mga miyembro ng makakaliwang grupo na ibaba na ang kanilang mga armas at magbalik loob sa pamahalaan.

Ipinalibing na ng San Juan Police ang labi ng naturang NPA member.

 

( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )

Tags: , ,