Bangladesh pormal ng humingi ng tulong sa FBI kaugnay ng $81 million bank heist

by Radyo La Verdad | March 21, 2016 (Monday) | 840
Bangladesh central bank building in Dhaka(REUTERS)

Bangladesh central bank building in Dhaka(REUTERS)

Pormal ng humingi ng tulong sa Federal Bureau of Investigation o FBI ang pamahalaan ng Bangladesh upang matukoy kung sino ang mga cyber criminal na nagnakaw ng 81 million US dollars mula sa account nito sa Federal Reserve Bank sa New York at umano’y dinala sa Pilipinas.

Ayon sa embassy official ng Estados Unidos sa dhaka, ang kapitolyo ng bangladesh, nakahanda ang Amerika na tumulong sa isinasagawang imbestigasyon ng Bangladesh Government sa pangyayari.

Nagtungo na sa Dhaka ang isang team mula sa FBI kahapon para sa joint investigation.

(UNTV NEWS)