Bar sa England, hinaharang ang signal ng cellphone upang maisulong ang face-to-face communication sa kanilang mga customer

by Radyo La Verdad | August 8, 2016 (Monday) | 627
(Photos: The Gin Tub/Facebook)

(Photos: The Gin Tub/Facebook)

Isang signal blocker ang inilagay ng bar owner na si Steve Tyler sa kanyang bar na “Gin Tub” upang hindi magkaroon ng access sa social media ang mga customer na pumapasok sa pub.

Ayon kay Tyler, layon ng pagba-block na himukin ang mga customer na imbes na tumingin sa kanilang mga phone ay makipag-usap ang mga ito sa mga kasama nila o kahit sa mga hindi pa nila kilala na nasa loob ng bar.

Aniya, hindi kailangan ng mga tao ang social media kung lumalabas ang mga ito para mag-socialize.

Positibo naman ang reaksyon ng mga customer sa ipinatutupad sa bar at ilan ang nagsabing nagugustuhan nila ang makalumang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,