Baron Geisler, arestado matapos umanong manggulo sa isang bar sa Quezon City

by Radyo La Verdad | October 17, 2017 (Tuesday) | 1620

Inaresto ng mga otoridad si Baron Geisler makaraang magsumbong ang manager ng isang bar sa Tomas Morato, pasado alas nueve kagabi.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pinaginitan umano ni Geisler ang guwardya ng naturang bar.

Dipensa naman ni Geisler, wala syang kasalanan kundi ang mga pulis na walang habas umanong umaresto sa kanya.

Sinubukan naman hingin ang panig ng management ng naturang bar, subalit tumanggi itong magbigay ng panayam

 

( Macky Libradilla / UNTV Correspondent )

Tags: , ,