Batas na bubuwag sa Road Board, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | March 20, 2019 (Wednesday) | 3470


MALACAÑANG, Philippines – Mapupunta na sa National Treasury ang mga kinukolektang Motor Vehicle User’s Charge (MVUC) na nakalaan sa pagpapagawa ng mga kalsada at tulay.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act Number 11239 o ang batas na bubuwag sa Road Board.

Una ng sinabi ng Pangulo na nais niyang buwagin ang Board dahil nagagamit ito bilang cash cow ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang hahalili sa mga naiwang responsibilidad at liability ng Road Board at ia-absorb ang mga empleyado ng ahensya.

Tags: , , , ,