Batas na nagpapalawig ng proteksyon sa sources ng journalists, pirmado na ni Pang. Duterte

by Radyo La Verdad | September 25, 2019 (Wednesday) | 1533

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act Number 11458.

Inamyendahan nito ang kilalang Sotto Law na nage-excempt sa mga publisher, reporter at editor na i-reveal ang source ng kanilang impormasyon sa inilathalang balita.

Layon nitong palawigin ang pagbibigay ng proteksyon sa mga source ng balita o public information at sakop na nito ang mga journalist sa broadcast at online media.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,