Beach safety nais paigtingin sa Manitoba Canada

by Radyo La Verdad | August 11, 2016 (Thursday) | 859

monitoba
Pinag-aaralan na ngayon sa Manitoba Canada ang pagpapaigting sa beach safety, matapos malunod ang dalawang batang Pilipino noong August 1.

Sa kasalukuyan ay walang licensed lifeguard on duty sa mga beaches dito sa Manitoba. Tanging mga beach safety officers lamang ang nakaantabay sakaling mayroon mangyaring aksidente.

Matatandaang namatay matapos malunod ang dalawang batang Pilipino na kinilala na si David Medina, 12-anyos at ang labing isang taong gulang na pinay.

Nagawa pang isugod ang mga ito sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Sa isinagawang pag-aaral ng isang National Charity Group na Lifesaving Society, limang beses na mas mataas ang posibilidad na hindi marunong lumangoy ang mga teenagers na nasa pagitan ng 11 hanggang 14 taong gulang na bagong immigrant dito sa Canada kumpara sa Canadian born na mga bata.

Dahil dito lalong lumalakas ang panawagan na gawing mandatory ang swimming lessons sa lahat ng paaralan dito sa Manitoba.

Samantala, dumagsa ang mga filipino communities sa burol ng dalawang batang Pilipino na nalunod upang makiramay sa pamilya ng mga biktima.

(Fatima Tumang/UNTV Radio)