Beep cards, maaari nang magamit sa MRT-3 simula sa October 3

by Radyo La Verdad | September 23, 2015 (Wednesday) | 971

BEEP-CARDS
Magagamit na ang mga beep cards o Automated Fare Collection System sa lahat ng istasyon ng MRT-3 simula sa October 3 ngayong taon.

Sa lunes, September 28 ay magkakaroon na ng pre-selling ng mga beep cards sa mga istasyo sa North Avenue, Cubao, Shaw at Taft Station

Mabibili ang beep card sa halagang 100 pesos na may inisyal nang load na 80 pesos

Ito ay reloadable, mula sa halagang P12 pesos hanggang P10,000 na balido hanggang apat na taon

Ang mga beep card na nabili sa LRT line 1 at line 2 ay maaari na ring magamit sa MRT-3

Inaasahang maiiwasan ang mahabang pila sa MRT sa pamamagitan ng beep cards.( Mon Jocson / UNTV News)

Tags: