Bello, nagbitiw ng suporta kay Pangulong Aquino

by monaliza | March 11, 2015 (Wednesday) | 773

WALDENBELLO_WEB 031215

Nagbitiw na sa kanyang tungkulin si Walden Bello bilang kinatawan sa Kongreso ng Akbayan party-list group na kilalang kaalyado ng administrasyong Aquino.

Kasunod nito sinabihan pa ni Bello si Pangulong Noynoy Aquino na matigas ang ulo at pinapatakbo ang pamahalaan na parang isang fraternity.

Nagkumbinsi kay Bello na bitiwan ang pagsuporta sa Pangulo nang umano’y maghugas-kamay ito sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao kung saan namatay ang 44 Special Action Force (SAF) commandos.

Nilinaw naman ng mambabatas na hindi siya umaalis sa Akbayan sa kabila ng suportado pa rin ng grupo ang Pangulo

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , , , ,