Tinapatan ng grupong Pamalakaya (National Federation of Small Fisherfolk Organization in the Philippines) ang head office ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa PCA building sa Quezon City.
Sigaw ng mga ito, huwag ituloy ang pagaangakat ng bansa ng 17 libong metriko tonelada ng galunggong.
Ayon sa chairman nito na si Fernando Hicap, ang dapat ay buwagin ang patung-patong na ahente na dinadaanan ng galunggong bago ito makarating sa mga mamimili.
Ito aniya ang dahilan kung bakit mahal ang presyo ng galunggong na ngayon ay umaabot na sa 180-200 kada kilo.
Isa din sa ikinababahala ng grupo ay ang paglalagay umano ng pormalin sa mga imported na galunggong.
Kung magkulang man aniya ang supply ng galunggong ay maaari namang makabili ang mga consumer ng ibang uri ng isda.
Ayon naman kay Agriculture Usec. at BFAR Director Eduardo Gongona, kulang ang supply ng galunggong sa bansa kaya’t kailangan ng umanggkat.
Sa ngayon aniya ay hindi makapasok ang mga lokal na malalaking sasakyang pangisda sa karagatang sakop ng munisipyo dahil nililimitahan ito ng batas o ng Republic Act 3654.
Titiyakin naman anila ng pamahalaan na ligtas at walang pormalin ang aangkating galunggong.
Gumagawa na rin sila ng paraan para mabawasan ang mga ahenteng dinadaanan ng nahuhuling isda para bumaba ang presyo nito.
( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )
Tags: BFAR, Galunggong, walang formalin
METRO MANILA – Inaasahan na bababa na ang presyo ng galunggong sa mga susunod na Linggo matapos i-lift ang 3 buwang closed fishing season sa Palawan.
Paliwanag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kinailangan na magpatupad ng closed fishing season para bigyang daan ang muling pagpaparami ng mga isda gaya ng galunggong.
At dahil bukas na muli ang mga fishing ground, inaasahan na darami na ulit ang supply ng galunggong sa mga pamilihan.
Nangangahulugan ito na kapag mas marami na ang supply ay bababa na ang presyo nito.
Dagdag ng BFAR, mayroon silang iba’t ibang programang isinasagawa para mas maging stable pa ang supply ng isda sa mga pamilihan sa bansa.
Kasama dito ang pagpapalawak ng mga marine culture park o mga palaisdaan para sa mas maraming supply isda.
Mayroon ding programa sa mga munisipalidad kung saan binibigyan ng mas malalaking mga bangka ang mga mangingisda para makarami sila ng mahuhuli sa dagat.
Nauna na ring sinabi ng BFAR na may planong mag-angkat ang gobyerno ng nasa 35,000 metric tons ng iba’t ibang klase ng isda dahil sa paghinto ng fishing season.
Tags: BFAR, Galunggong
METRO MANILA – Nasa 35,000 metriko tonelada ng mga isdang dagat ang kailangang angkatin ng Pilipinas para hindi kulangain ang supply sa mga susunod na buwan.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), pagpapatupad ng closed fishing season sa ilang pangisdaan sa bansa.
At sa pamamagitan ng importasyon, maiiwasan din umao na tumaas ng sobra ang presyo ng mga isda sa palengke.
Ayon sa tugon kabuhayan, isang food security advocacy group, nasa 70% ng lokal na produksyon ng isda ang mababawas kapag ipinatupad ang closed fishing season.
Pero kung aangkat ay malaki ang ibababa ng presyo ng galunggong. Mula October 1 hanggang December 31 ay magbibigay ng import clearance ang BFAR.
Kailangan makarating ang lahat ng aangkatin bago sumapit ang January 15 sa susunod na taon.
Sa pagtaya ng BFAR, aabot sa 58 metriko tonelada ng isda ang magiging kakulangan sa huling bahagi ng taon.
(Rey Pelayo | UNTV News)
Tags: BFAR
METRO MANILA – Positibo parin sa red tide ang mga baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanquilas Bay sa Zamboanga Del Sur at Lianga Bay sa Surigao Del Sur.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), bawal paring kainin ang mga shellfish at alamang na mula sa nabanggit na lugar dahil hindi ito ligtas kainin.
Ang mga isda, pusit, hipon at talangka ay maaaring kainin pero dapat ay inalisan ito ng lamang loob gaya ng hasang at bituka. Kailangan ding hugasang mabuti bago iluto.
Samantala, ang mga baybayin naman ng Milagros sa Masbate ay wala nang red tide.