Big-time oil price hike, ipinatupad ngayong araw

by Radyo La Verdad | August 23, 2016 (Tuesday) | 1244

petrolyo
Nagpatupad ng bigtime price increase ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.

Piso at tatlumput limang sentimos ang dagdag- presyo sa kada litro ng gasolina ng Shell, Petron, Caltex, Seaoil at Flying V, habang one peso and forty-five centavos naman sa diesel at kerosene.

Nagtaas din ng kaparehong halaga sa kada litro ng gasolina at diesel ang Unioil, Phoenix Petroleum at Eastern Petroleum.

Ito ang ikalawang sunod na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong buwan.

Tags: ,