Big-time rollback sa presyo ng gasolina at diesel, ipinatupad ng mga kompanya ng langis ngayong araw

by Radyo La Verdad | February 7, 2023 (Tuesday) | 1199

METRO MANILA – Epektibo kaninang 12:01 ng madaling araw, unang nagtapyas ang kumpanyang Caltex ng P2.10 sa presyo ng kada litro ng gasolina.

P3 naman ang nabawas sa presyo ng diesel habang P2.30 naman ang rollback sa kada litro ng kerosene.

Nagpatupad na rin ng kaparehong bigtime price reduction sa gasolina at diesel ang kumpanyang Cleanfuel simula kaninang 12:01 am.

Samantala, epektibo naman kaninang ala-6 ng umaga ang bigtime price rollback ng  Shell, Petron, Seaoil at Flying V sa kada litro ng gasolina, diesel at kerosene.

Habang ang Unioil, Total Philippines, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Petrogazz at Jetti petroleum ay nagpatupad din ng P2.10 na rollback sa gasolina at P3 naman sa presyo ng diesel.

Tags: ,