
Batay sa pinakahuling tala ng DOH, as of six a.m kanina, umaabot na sa isang daan at labing isa ang nabiktima na ng paputok,apat na araw bago sumapit ang pagpapalit ng taon.
Naitala ang pinakamataas na kaso sa National Capital Region na umaabot na sa apat na put pitong kaso.
Sinusundan ito ng Region Five na may dalawamput- tatlong kaso,Region Eleven na may labing apat na kaso, Region 4a na may pitong kaso,habang nasa anim naman sa Region Twelve.
Ang iba pang kaso ng mga naputukan ay naitala naman sa iba pang probinsya na sakop ng Luzon at Mindanao Region.
Sa Metro Manila, ang lungsod ng Maynila ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga naputukan.
Kasama rin dito ang Quezon City,Mandaluyong,Paranaque at Las Pinas City.
Nangunguna pa rin ang ipinagbabawal na piccolo sa mga paputok na sanhi ng mga fire cracker related injury.
(Joan Nano / UNTV Correspodent)

ILOILO, Philippines – Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) – Western Visayas na 28 ang kumpirmadong nasawi sa pagtaob ng 3 bangka sa Iloilo Strait nitong Sabado (August 3).
Taliwas ito sa mga ulat na tatlumput isa na ang nasawi sa trahedya doon bunsod ng masamang lagay ng panahon.
Tuloy naman ang paghahanap sa iba pang nawawalang pasahero ng mga tumaob na bangka.
Nagpaabot na ng pakikiramay ang Malacañang sa mga pamilya at kaanak ng mga nasawi at posible umanong bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ng mga biktima.
“We condole with the families of the victims that perished in those mishaps.” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel.
(Rosalie Coz | Untv News)
Tags: biktima, Malacañang, PCG

MANILA, Philippines – Tuluyan nang ipagbabawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng paputok sa buong bansa.
Ayon sa Punong Ehekutibo, maglalabas siya ng isang executive order para rito
Ginawa ng pangulo ang pahayag nang pangunahan nito ang turnover ng housing units para sa mga sugatang sundalo at pulis sa San Jose del Monte, Bulacan noong Huwebes ng gabi.
Ayon kay Pangulong Duterte, mapapribado o gobyerno man ay ipagbabawal na ang paggamit ng paputok, “I will issue the executive order at this early, para warning na dun sa lahat that I am banning firecracker all together.”
Pinabulaanan din ng punong ehekutibo ang paniniwala ng iba na nakapagpapalayas ng masamang isipiritu ang mga paputok, “yang firecracker, do not believe na paalisin mo ang devil. Kay sa totoo lang, yung kaharap ninyo nagsasalita ngayon, isang demonyo”
Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health, 34 na porsyento ang ibinaba sa bilang ng fireworks-related injuries noong holidays mula December 21, 2018 hanggang January 5, 2019 kumpara noong nakaraang taon
Matatandaan na noong June 20, 2017 nang pirmahan ng Pangulo ang Executive Order 28 na nagkokontrol sa paggamit ng firecracker at iba pang pyrotechnic devices kung saan mga lisensyadong indibidwal na lamang ang maaaring magpaputok at mga community fireworks display na lang din ang pahihintulutan sa pamamagitan ng mga lokal na pamahalaan.
Matagal nang adbokasiya ng UNTV ang paghikayat sa publiko na huwag nang gumamit ng paputok tuwing magpapalit ang taon.
Tags: bawal ang paputok, firecracker ban, fireworks, pangulo, paputok, Rodrigo Duterte, total ban, Total ban sa mga paputok

BOCAUE, Bulacan – Tumaas na ng mahigit 30% ang halaga ng paputok ngayon sa Bocaue, Bulacan.
Ayon sa mga matagal nang nagtitinda, kakaunti ang dumarating na suplay galing sa mga manufacturer. Ngayon lang umano nangyari sa ‘fireworks capital’ ng bansa na kinakapos sila ng stock ng mga paputok.
Marami aniyang manufacturer ang hindi na nagsuplay ng paputok at pailaw. Kabilang na rito ang Platinum at Diamond na mga kilalang fireworks manufacturer sa Bulacan.
“Expected naman na mataas kasi kulang mga suplay talaga. Mas maraming stock dati kaysa ngayon,” ani Marcelo Angeles, isang fireworks dealer.
Kabilang sa mga paputok na tumaas ang presyo ay ang sawa na 2000 rounds, mula sa dating ₱500 ngayon ay ₱750 na. Ang 1000 rounds na dating ₱300 ngayon ay ₱450. Ang 500 rounds naman na dating ₱150 ngayon ay ₱200.
Sa mga pailaw, ang 200 shoots na dating ₱20,000 ngayon ay ₱25,000 na. Ang 100 shoots naman na dating ₱3,500 ngayon ay ₱5,000 na. Ang 49 shoots na dating ₱2,000 ay ₱2,500 na at ang 16 shoots dating ₱500 ngayon ay ₱800 na.
Ang luces naman na dating ₱30 per bundle ngayon ay ₱35 na. Ang fountain na dating ₱25 ngayon ay ₱50 na.
Sa ngayon ay matumal pa ang bentahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan. Ngunit inaasahan na mararanasan ang bulto ng tao sa ika-27 hanggang ika-31 ng Disyembre.
(Nestor Torres | UNTV News)
Tags: Bulacan, firecrackers, paputok, taas-presyo