Bilang ng krimen sa bansa noong nakaraang taon, bumaba – PNP

by Radyo La Verdad | February 20, 2018 (Tuesday) | 8028

11 porsyento ang ibinaba ng bilang krimen sa bansa noong nakaraang taon kung ikukumpara noong 2016.

Sa datos ng Philippine National Police mula Enero hanggang Disyembre ng 2017, may naitalang 520 libong krimen sa bansa.

Mas mababa kung ikukumpara sa 584 na libong krimen noong 2016. Malaki ang ibinaba ng mga kaso ng pagnanakaw, gayundin ang murder, physical injury at rape.

Subalit tumaas naman ang homicide  cases. Mula sa dating 2,336 noong 2016, umakyat ito sa 2,592 nitong 2017.

 

Tags: , ,