Bilang ng mga barangay sa Pampanga na lubog sa baha, dumami pa dahil sa pag-apaw ng Pampanga river

by Radyo La Verdad | December 18, 2015 (Friday) | 6079

JOSHUA_BAHA
Patuloy ang pag-apaw ng Pampanga river dito dahil pa rin sa tubig mula sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Bunsod nito ay dumami pa ang bilang ng mga barangay na lubog sa baha kung saan ilan dito ay lagpas sampung talampakan ang taas ng tubig.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng kumpletong listahan ng mga apektadong barangay Ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ngunit sa inisyal na report ay limang bayan na ang apektado ng pag-apaw ng Pampanga river.

Kaya naman ang ilang mga kabalen natin ay sumasakay ng mga bangka para lamang makatawid mula sa kanilang nalubog na bahay.

Dahil sa pag-apaw ng ilog, dinala na ng mga residente na nakatira malapit sa ilog ang kanilang mga gamit sa kalsada.

Maging ang kanilang alagang hayop tulad ng mga baboy at manok ay inilikas na rin nila sa mataas na lugar.

Nagmistulan na ring parking lot ang kalsada sa isang bahagi ng Arnedo dike sa bayan ng San Simon dahil sa dami mga stranded na sasakyan.

Samantala, hindi na rin madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang Baliwag-Candaba-Sta.Ana Road, San Simon-Baliwag Road at ang Bahay Pare-San Luis-Sto.Domingo Road dahil sa taas ng tubig baha.

Samantala kahapon ay nagsagawa ng aerial inspection ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga lalawigan na apektado ng pagbaha sa nueva ecija, tarlac, pampanga at bulacan.

Pagkatapos nito ay magsasagawa ulit sila ng pagpupulon ngayong araw para sa kanilang assesment.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,

Mahigit 34.4-M kilo ng basura, nakolekta mula sa 21,000 na barangay sa buong bansa

by Radyo La Verdad | May 14, 2024 (Tuesday) | 1911

METRO MANILA – Nasa 34.4 milyong kilo ng basura mula sa halos 21,000 na barangay sa buong bansa mula Enero hanggang Abril ngayong taon.

Ito ay sa ilalim ng programang “Kalinga at inisyatiba para sa malinis na bayan” (KALINISAN).

Ayon kay DILG Secretary Benjamin Abalos, ang lingguhang paglilinis ay matagal ng pangako ng pambsang pamahalaan na tiyakin ang mas malinis at luntiang komunidad.

Dagdag pa ni Abalos, nagpapakita lamang ito ng malinaw na pagkakaisa ng sambayanang Pilipino tungo sa kalinisan.

Tags: ,

Ilang barangay sa Quezon City, hindi magtatalaga ng firecracker zone

by Radyo La Verdad | December 26, 2017 (Tuesday) | 5577

Hindi maglalagay ng designated area kung saan maaring gumamit ng paputok ang ilang barangay sa Quezon City.

Ayon sa pamunuan ng barangay ng Culiat, ang striktong pagbabawal sa paggamit ng paputok ang nakikita nilang susi para maiwasan ang firecracker injuries tuwing nagpapalit ng taon.

Sa unang pagkakataon, total ban na sa paggamit ng paputok ang paiiralin ng barangay Bagbag sa kanilang lugar.

Paglilinaw naman ni Quezon City Administrator Aldrin Cuña, walang ipinatutupad ang Quezon City Government na total ban sa paggamit ng paputok. Bagamat ipinagbabawal ang paggamit ng paputok sa mga pampublikong lugar sa Quezon City sa ilalim ng City Ordinance 2618, maari namang magtalaga ng community display area.

Ipinauubaya din naman ng city government sa bawat barangay kung magpapatupad ang mga ito ng total ban sa paggamit ng paputok.

 

( Rajel Adora / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Paglilinis sa iligal na droga sa mga barangay, target ng PDEA na matapos sa loob ng 4 na taon

by Radyo La Verdad | October 11, 2017 (Wednesday) | 4289

Target ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na sa loob ng 4 na taon ay malinis ang mga barangay sa iligal na droga.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino sa programang “Get it Straight with Daniel Razon” na hihilingin nito kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kakulangan sa ahensya.

Plano nitong magkaroon ng 1,000  recruites kada taon dahil sa ngayon ay nasa 2 libo lamang ang mga tauhan nito.

Kailangan din aniya ng mga karagdagang special equipment at establisadong opisina sa iba’t-ibang lugar sa bansa maging sa New Bilibid Prison para mas matutukan ang transaksyon ng droga ng mga preso.

Samantala, target din ng PDEA na mailipat na ng kulungan si Maasim, Sarangani Mayor Aniceto Lopez.

Ayon kay Aquino, nakakaramdam siya ng panganib sa paghawak kay Lopez dahil tagasuporta ito ng mga rebelde at isang terrorist group.

Nakakulong si Lopez ngayon sa PDEA Region 12 sa General Santos City at kung mapagbibiyan ang kanilang mosyon ay ililipat na ito sa Provincial Jail. Si Lopez ay inaresto ng PDEA matapos matagpuan ang iligal na droga sa bahay nito.

Sinabi ni Aquino na abot hanggang sa Maynila ang koneksyon ni Lopez dahil sa narecover na green book.
 

( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,

More News