Bilyon-bilyong dolyar na investment at ayuda, iniuwi ni Pangulong Duterte mula sa official visit sa Japan

by Radyo La Verdad | November 1, 2017 (Wednesday) | 2485

Itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na “most productive and engaging” ang dalawang araw na official visit nito sa Japan. Sinabi ito ng Pangulo sa kaniyang arrival speech kagabi sa Davao International Airport.

Ayon kay Pangulong Duterte, magkakaloob ang Japan ng $6 bilyong halaga ng investments mula sa iba’t-ibang Japanese groups at ang kompirmasyon ng Japanese government ng ayudang aabot sa isang trilyong yen. Kasama sa ibibigay na tulong ng Japan ang suporta para sa rehabilitasyon ng Marawi at sa pagpapatayo ng Metro Manila Subway Project.

Ayon sa Pangulo, hinikayat niya rin mga Japanese trader na mag-invest sa bansa lalo na sa larangan ng steelmaking, agribusiness at sa information technology.

Nagkasundo rin umano ang dalawang bansa na paigtingin ang defense cooperation para mapalakas ang kampanya laban sa terorismo, extremism at transnational crimes.

Nagpapasalamat naman ang Pangulong Duterte sa walang sawang pagsuporta ng bansang Japan na itinuturing niyang malapit na kaibigan ng Pilipinas.

 

( Janice Ingente / UNTV Correspondent )

Tags: , ,