Binabantayang low pressure area, posibleng malusaw na – PAGASA

by dennis | April 29, 2015 (Wednesday) | 3935

PAGASA 0430

Namataan ng PAGASA ang binabantayan nitong Low Pressure Area (LPA) sa layong 460 km silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Pero ayon sa PAGASA, malaki ang posibilidad na malusaw ito bago pa man ito makalapit ng kalupaan.

Asahan pa rin ang mainit na panahon sa mga susunod na araw, lalo na’t sa pagtaya ng PAGASA ay posibleng umabot sa 40.2 degrees Celsius ang temperatura ngayong araw at 39.9 degrees Celsius naman bukas, araw ng Biyernes.

Samantala, ang Silangang Kabisayaan at CARAGA ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa silangan hanggang timog-silangan ang iiral sa Hilagang Luzon at mula naman sa silangan hanggang hilagang-silangan sa nalalabing bahagi ng bansa. Ang mga baybaying-dagat sa buong kapuluan ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon.

OVER METRO MANILA:
Maximum Temperature: 02:45 PM yesterday —– 35.6 ºC
Minimum Temperature: 06:00 AM yesterday —– 25.6 ºC
Maximum Relative Humidity: 06:00 AM yesterday ——— 77 %
Minimum Relative Humidity: 04:00 PM yesterday ——— 43 %
High tide today: 08:51 AM ……… 0.59 meter
Low tide today: 02:21 PM ……… 0.36 meter
High tide today: 07:48 PM ……… 0.59 meter
Low tide tomorrow : 02:16 AM ……… 0.19 meter
Sunrise today: 05:34 AM
Sunset today: 06:12 PM

Tags: , ,