Binay at Peña, nagsagawa ng magkahiwalay na flag ceremony ngayong araw

by monaliza | March 23, 2015 (Monday) | 469

binay
Nagsagawa ng magkahiwalay na flag ceremony ngayong araw sina Makati Mayor Junjun Binay at Acting Mayor Romulo “Kid” Peña.

Pinangunahan ni Binay ang flag ceremony na ginanap sa bagong city hall habang sa lumang city hall naman nagdaos si Peña.

Sa kasalukuyan, nananatiling sarado ang mga entrance ng city hall habang nabawasan naman ang nagbabantay na pulis sa lugar.

Sa Marso 31 magkakaroon ng clarificatory hearing sa court of appeals kaugnay ng kung sino ang nararapat na kilalaning mayor ng Makati.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0