Blood donation drive at clean-up drive, isinagawa ng MCGI sa Auckland, New Zealand

by Radyo La Verdad | September 17, 2018 (Monday) | 1959

Todo na serbisyo publiko ang hatid ng Members Church of God International (MCGI) sa Auckland, New Zealand.

Ito ay tugon sa adbokasiya ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon na paggawa ng mabuti sa kapuwa kahit isang araw lang.

Dalawang blood donor centers ang pinagdausan ng blood donation drive ng grupo, kung saan mahigit tatlumpung blood bags ang nalikom mula sa mga blood donor sa Manukau at Takapuna.

Bukod sa blood donation drive, nakiisa rin ang MCGI sa Manukau Beautification Charitable Trust sa paglilinis at pagpapaganda ng papakura town centre.

Mabilis na natapos ng grupo ang paglilinis ng basura sa daan, pagwawalis, pagpipintura at pagtatanim na labis na ikinatuwa ng kanilang team leader na isang New Zealand Citizen at graffiti artist.

Laking pasasalamat naman ng isang shop owner sa lugar dahil sa magandang kinalabasan ng nasabing proyekto.

Masaya naman ang mga volunteer mula sa MCGI dahil anila, sa maliit na paraan ay nakabahagi sila at nakapagbigay ng tulong sa kanilang kapuwa.

 

( Elsie Marcos / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,