BlueSG sa Singapore, malaking tulong sa mga kababayan natin

by Radyo La Verdad | February 14, 2018 (Wednesday) | 2032

Mas pinabubuti pa ng pamahalaan ng Singapore ang serbisyo ng transport system para mabigyan ng mas mabuting serbisyo ang mga mamamayan.

Nag-update ang operator ng Singapore Mass Rapid Transit o SMRT ng kanilang smart connect app upang isama na rin ang lahat ng serbisyo ng bus.

Mas makatitiyak na ngayon na realtime nga ang oras ng pagdating tren. Maari ring ma-access ang service sa pamamagitan ng pag-tap ng train coin sa istasyon.

Ang app na ito ay nakalink sa pinakamahusay na train signaling system. Makikita rin sa app kung saang lugar na naroon ang tren. Kung sakaling maghahabol ng oras, makikita din sa app kung anong  bus ang pwede na hindi crowded.

Plano naman ng SMRT na magbigay ng electronic slips sa pamamagitan ng smart app bilang katunayan ng iyong paglalakbay.

 

Tags: , ,