BOC Transformers, nakuha ang ika-apat na sunod na panalo vs PNP Responders

by Radyo La Verdad | October 17, 2016 (Monday) | 1297

Tinalo ng BOC Transformers ang PNP Responders sa score na 93 – 84.

Isa na namang buzzer beater 3 point shot ang nagdala ng swerte sa BOC upang masungkit ang ika-apat na sunod na panalo.

Una rito ay agad niratrat ng mabilis na opensa ng PNP ang BOC upang tambakan ito ng trese puntos sa 1st quarter, 23 – 10.

Nanatili ang mabilis na opensa ng PNP sa second quarter, 38 – 32.

Bumawi ang Transformers at dalawang beses naitabla ang score bago makuha ang isang puntos na abante sa pagtatapos ng third quarter, 58 – 57.

Last 22 seconds sa forth quarter, lamang ng tatlong puntos ang pnp at sa kanila pa ang bola nang maagawan ni Marlou Aquino si Ollan Omiping at mabilis na ini lay up, 72 – 71.

Naipasok naman ni Japhet Cabahug ang dalawang freethrow upang ibalik sa tatlo ang abante ng PNP, last 12 seconds ng ballgame.

Ngunit di pinanghinaan ng loob ang boc hanggang sa maipasok ni michael anthony sumalinog ang buzzer beater three point shot.

Tinaghal na best player of the game si sumalinog na may 18 points, 3 rebounds at 2 assist.

At si marlou aquino na may 25 points, 5 rebounds tatlong assist at isang block.

Sa ngayon nangunguna sa group b ang boc na may malinis na 4 – 0 win loss record.

(Bernard Dadis / UNTV News)

Tags: , ,