Bodega sa Marilao, Bulacan na hinihinalang imbakan ng smuggled na bigas, sinalakay ng BOC

by Radyo La Verdad | September 7, 2018 (Friday) | 5883

Isang warehouse ng bigas dito sa Marilao, Bulacan na sinasabing nag-iimbak ng smuggled rice ang sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) kaninang madaling araw.

Sinelyuhan at ipinasara ang warehouse na naglalaman ng tatlong libong sako ng bigas na pagmamay-ari ni Reah Louella Ramirez.

Ayon sa raiding team, mananatiling sarado ito hangga’t hindi nakakapagpakita ng kaukulang mga dokumento ang may-ari ng warehouse na magpapatunay na ligal na naipasok sa bansa ang naturang mga bigas.

Ngunit ngayong hapon ay nagtungo dito ang abogado ni Ramirez na si Atty. Henecito Balasolla dala ang mga papeles.

Mayroon din aniya itong importers permit galing sa Talisay Farmers Multi-Purpose Cooperative na may petsang ika-16 ng Agosto 2018.

Sa ngayon ay inaantabayan pa ang pagdating ng BOC upang ipakita ng Dresden ang kanilang dokumento bilang patunay na legal ang kanilang negosyo.

Inaasahan din nila ang pagbubukas ng ipinasarang warehouse ng bigas.

 

( Nestor Torres / UNTV Correspondent )

Tags: , ,