BOI report pormal nang isinumite kay SILG Roxas

by monaliza | March 13, 2015 (Friday) | 550

ROXASBOI REPORT 031315

Pormal nang isinumite kay DILG Secretary Mar Roxas ang ulat ng Board of Inquiry kaugnay sa Mamasapano incident.

Ipinahayag ni Roxas na ang nasabing kopya ay na i-digitized na at nakatakda itong i-upload sa website ng Philippine National Police para mai-download pero naka “read only” format lamang ito para masiguro ang seguridad ng kopya.

Magpapadala naman ang PNP ng kopya ng report kina Exec. Sec. Paquito Ochoa, Senate Pres. Franklin Drilon, Speaker Sonny Belmonte, Justice Sec. Leila De Lima, at Ombudsman Conchita Morales

Nagpasalamat si Roxas sa Board of Inquiry sa kanilang ginawang trabaho sa pagbuo ng BOI report.(Lea Ilagan/UNTV News Correspondent)

Tags: , , , , , , , , ,