Bong go ipinakita ang kaniyang likod, bilang patunay na wala siyang tatoo na dragon na inaakusa sa kaniya

by Radyo La Verdad | April 9, 2019 (Tuesday) | 716

San Pedro, Laguna – Ipinakita ni dating Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go ang kaniyang likod upang patunayan na wala itong tatoo na tulad ng inaakusa sa kaniya ni “Alyas Bikoy”

Taliwas sa sinasabi ni alyas bikoy sa pinakahuling video nito na kumakalat sa social media na may tattoo aniya ng dragon sa likuran si Go.

Ang tatoo aniya ni Go ang magpapatunay ng pagiging miyembro niya ng malaking sindikato ng iligal na droga tulad din aniya ng tatoo ni Presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

“Hindi pa po ako nagkaroon ng tatoo kailanman sa  buhay ko balat po marami ako sa likod ” pahayag ni dating Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go

Sa ginawang talumpati ni Go sa pangangampaniya nito sa San Pedro Laguna, bahagyang itinaas nito ang kaniyang damit upang ipakita na wala siyang tattoo na itinatago.c

“Meron daw akong tatoo sa likod hinahanap ko meron ba wala.” ayon kay dating Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go

Tinawag naman ni Go  na desperado na ang kanilang mga kalaban sa pulitika na gusto silang sirain sa publiko

(Sherwin Culubong | Untv News)

Tags: