Boss ng isang kumpanya sa India, namigay ng daan-daang kotse sa kanyang mga empleyado

by Radyo La Verdad | November 13, 2018 (Tuesday) | 5077

Big time talaga ang boss ng isang Diamond Trading Company sa India dahil trip na trip nito ang pamimigay ng daan-daang kotse sa kanyang mga empleyado. Kinilala ang mapagbigay na Boss na si Savji Dholaki. Ikinituwa rin ng Prime Minister na India na si Narendra Modi ang ugali ni Mr. Dholaki dahil malaki ang naitulong nito para paunlarin ang ekonomiya ng kanilang bansa dahil sa pagiging mapagbigay nito sa kanyang mga empleyado, kaya present si Prime Minister sa araw ng event na ipinamigay ang mga kotse sa mga empleyado noong nakaraang buwan ng Oktubre taong kasalukuyan na ginanap sa Surat, Gujarat, India.

Samantala, libo-libo naman ng mga empleyado ni Dholaki ang nakatanggap ng cash at apartments. Simple ang layunin ni Boss Dholaki, ito ay bigyang reward ang kanyang masisipag at loyal employees. Ang halaga ng ipinamigay na anim na raang kotse ay inabot ng higit 2 million US dollars o higit sa isang daang milyong piso.

Ang halaga ng ipinamigay ng anim na raang kotse ay inabot ng higit 2 million US dollars o higit sa isang daang milyong piso.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,