Brgy. Chairman sa Sto. Tomas Batangas, nahulihan ng iba’t-ibang klase ng baril ng PNP

by Radyo La Verdad | May 29, 2018 (Tuesday) | 7472

Arestado ng mga tauhan ng Police Regional Office 4A ang re-elected barangay chairman ng Sta. Clara, Sto. Tomas, Batangas na si Jay Monterola dahil sa pagtataglay ng mga hindi lisensyadong baril.

Sa bisa ng isang search warrant, nakuha sa bahay ni Monterola ang isang high powered firearms, dalawang cabiler 45 na baril at mga bala.

Bukod sa barangay official, inaresto rin ng mga pulis ang dalawang bodyguard nito.

Nitong nakaraang barangay at SK elections, isa ang barangay Sta. Clara sa mga itinuturing na hotspot ng mga pulis.

 

 

Tags: , ,