Brigada eskwela, sinimulan na sa buong bansa ngayong araw

by Radyo La Verdad | May 18, 2015 (Monday) | 3695

JOAN_BRIGADA_ESKWELA_051915

Libo-libong magulang at mag-aaral ang lumahok sa pagsisimula ng taunang brigada eskwela para sa lahat ng pampublikong paaralan sa elementary at high school sa buong bansa.

Ang brigada eskwela o ang national schools maintenance week ay proyekto ng Department of Education na naglalayong maihanda ang mga eskwelahan para sa mga estudyante ngayong darating na pasukan

Sama-samang naglinis ng mga klasrum ang mga participant ng brigada eskwela.

Maging ang mga bakuran at mga halamanan ay ininspeksyon rin upang alisin ang mga posibleng pinamumugaran ng mga lamok.

Bukod sa paglilinis, pininturahan rin ang ilang pader upang muling magmukhang bago.

Kinumpuni rin ang mga sira-sirang upuan at lamesa.

Nakilahok din sa brigada eskwela ang iba’t-ibang grupo, maging ang Members Church of God International.

Nakibahagi sa programa ang MCGI sa pamamagitan ng paglilinis, pagkukumpuni at pagpipintura sa iba’t-ibang eskwelahan sa lungsod ng Maynila, San Juan, Makati at iba pang bahagi ng Metro Manila.

Maging sa Visayas Region ay tumulong din ang grupo sa mga pagsasaayos ng mga paaralan.

Labis naman ang pasasalamat ng mga pamunuan ng mga eskwelhan kung saan naging katuwang ang MCGI sa pagsasagawa ng brigada eskwela. ( Joan Nano / UNTV News )

Tags: ,