British heavyweight champion Anthony Joshua, handa na sa unang title defense vs Dominic Breazeale

by Radyo La Verdad | May 6, 2016 (Friday) | 798

Anthony-Joshua
Inaabangan na ni British heavyweight champion Anthony Joshua ang kanyang unang pagdepensa sa kanyang International Boxing Federation title laban kay American Dominic Breazeale sa Hunyo.

Sinabi ni Joshua na sa kanyang pakiramdam ay handa na siya sa sagupaan na idaraos sa London sa June 25.

Wala pang talo sa labimpitong laban si Breazeale at ang labinlima dito ay pawang knockouts.

Samantala, nais sana ng mga boxing fan na sagupain ni Joshua si Tyson Fury, isa pang British heavyweight champion na hawak ang World Boxing Organization title si Deontay Wilder na kampeon naman ng World Boxing Council.

Naagaw ni Fury ang WBA, WBO at IBF belts kay Ukrainian Vladimir Klitchko noong November sa Dusseldorf, Germany.

(UNTV NEWS)

Tags: ,