BSP nagbabala sa kumakalat na pekeng P150 bill

by Radyo La Verdad | February 3, 2023 (Friday) | 4544

METRO MANILA – Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na wala silang inilalabas na kahit anong P150 banknote na may mukha ni Dr. Jose Rizal.

Dahil dito ay hinimok ng ahensya ang publiko na suriing mabuti ang mga impormasyon na nakikita sa social media at iba pang platform kaugnay ng mga banknotes at coins.

Para iberipika, maaaring pumunta ang consumer sa website ng BSP, partikular sa notes and coins section.

Maaari ring isumbong ng publiko ang mga taong sangkot sa paglalabas o pagpapakalat ng pekeng pera sa SP payments and currency investigation group at sa email address na pcig@bsp.gov.ph.

Maaari ring tumawag sa telepono sa mga numerong +63-2-8988-4833 at +63-2-8926-5092.

Tags: ,