BuCor Deputy Dir. Rolando Asuncion, nagbitiw sa pwesto matapos masangkot sa umano’y mga kaso ng katiwalian

by Radyo La Verdad | January 6, 2017 (Friday) | 1075

roderic_nagbitiw
Kawalan umano ng tiwala ng kanyang mga superior ang nagtulak kay BuCor Deputy Director Rolando Asuncion na magbitiw sa pwesto, epektibo kahapon.

Walang inilagay na dahilan si Asuncion sa kanyang resignation letter na ipinadala kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit sinabi nito sa panayam ng media na hindi rin siya makapagtrabaho nang maayos kaya’t pinili na lamang niyang magbitiw.

Sinabi umano sa kanya ni BuCor Director Benjamin Delos Santos na pinagle-leave siya ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre dahil may ginagawang imbestigasyon sa kanya.

Itinanggi naman ni Sec.Aguirre na iniimbestigahan si Asuncion.

Aniya, natanggap lamang nila ang kopya ng resignation nito ngunit ang opisina ng Pangulo ang magpapasya kung tatanggapin ang pagbibitiw nito sa pwesto.

July 18 nang nakaraang taon nang maitalaga sa pwesto si Asuncion at nagsilbi pang OIC ng BuCor bago nahirang sa pwesto si Delos Santos.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: ,