BUCOR nilinaw na sa Camp Aguinaldo mananatili si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton

by Radyo La Verdad | December 3, 2015 (Thursday) | 7153

RICARDO-RANIER-CRUZ--III

“I want to make this clear si Pemberton ay covered ng privision ng Visiting Forces Agreement kung saan dapat ikulong lang siya sa mutually agreed prison facilities”

Ito ang naging pahayag ni Bureau of Correction Director Ricardo Ranier Cruz lll kaugnay sa usapin kung sa National Bilibid Prison ba makukulong ang nahatulang guilty sa kasong homicide na si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton dahil sa pagkakapatay sa transgender na si Jeffrey ‘Jeniffer’ Laude.

Ayon kay Cruz, ang NBP extension prison facilities sa Camp Aguinaldo ang mutually agreed prison facility base sa probisyon sa Visiting Forces Agreement.

Mayroong umanong memorandum agreement ang BUCOR at Armed Forces of the Phillipines na magagamit ng NBP na extension facility ang detention facility na nasa loob ng Camp Aguinaldo.

Kaya sinigurado ni Cruz na mananatili si Pemberton sa Camp Aguinaldo.

Inaasahan narin ng BUCOR na maraming hindi sasang-ayon lalo na sa mga sumusuporta sa pamilya Laude kung hindi makulong sa regular na kulungan si Pemberton.

Samantala, kung dati mga amerikano ang closed in security ni Pemberton ngayon ay limang pung BUCOR guard ang itatalaga na magbabantay kay Pemberton, labing walong tao kada shift.

Makakatanggap ng 50 pesos food allowance kada araw si Pemberton galing sa gobyerno ng Pilipinas subalit may karapatan siyang gumastos galing sa sariling bulsa. (Benedict Galazan/UNTV News)

Tags: , ,