Call center agent na naaksidente sa EDSA, Kamuning, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | April 19, 2017 (Wednesday) | 3135


Humihingi ng tulong sa UNTV News and Rescue Team ang asawa nang isang babaeng call center agent na biktima ng aksidente sa EDSA, Kamuning bandang alas dies y medya kagabi.

Ayon kay Ryan Martinez, ihahatid na sana niya sa trabaho ang asawang si Rosevida Martinez nang biglang masagi ng isang pampasaherong bus ang kanilang sinasakyang motorsiklo.

Depensa naman sa driver ng bus napagitnaan nila nang isa pang sasakyan ang motorsiklo.

Nawalan umano ng kontrol ang driver ng motorsiklo kaya’t napadikit ito sa bus.

Nagtamo si Rosevida ng posibleng fracture sa kaliwang balikat na agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

Pagkatapos nito ay tumanggi nang magpahatid sa hospital ang biktima.

Sa bandang huli ay nagkasundo ang dalawang panig na sagutin na lang bus company ang pagpapagamot sa biktima.

(Reynante Ponte)

Tags: , , ,

Leave a Reply