Carlos Yulo, wagi ng 2 medalya sa World Gymnastics Championships

by Erika Endraca | October 26, 2021 (Tuesday) | 79

METRO MANILA – Nangibabaw ang galing ng atletang Pinoy sa vault gymnastics.

Ito ay matapos masungkit ng Olympian na si Carlos Yulo nitong Linggo (October 24), ang gold medal sa vault finals ng 50th World Artistic Gymnastics Championship sa Japan.

Nakakuha si yulo ng na average score na 14.916.

At hindi lang yan dahil matapos makakuha ng gold medal nagkamit rin ng silver medal si Yulo sa men’s parallel bar sa average score na 15.300.

Si Yulo ang kauna-unahang Filipino Gymnast na nakasungkit ng multiple medals sa isang world championship.

(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)

Tags: