Cesar Montano, nagbitiw na bilang pinuno ng Tourism Promotions Board

by Radyo La Verdad | May 22, 2018 (Tuesday) | 2184

Nagbitiw na rin kahapon bilang chief operating officer ng Tourism Promotions Board (TPB) ang dating aktor na si Cesar Montano.

Sa kaniyang isinumiteng courtesy resignation sa Malacañang sa pamamagitan ni Special Assistant to the President Bong Go, wala itong binaggit na dahilan ng pagbibitiw.

Nagpasalamat naman ito sa kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagtitiwalang ibinigay umano sa kanya upang hawakan ang naturang posisyon.

Ang resignation ni Montano ay kasunod ng suspensyon ng “Buhay Carinderia” project ng TPB.

Tags: , ,